CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, May 8, 2009

Turning Serious

08 May 2009

Kinakailangan kong magbayad ng bill sa araw na ito. Ang kaibigan kong si Chabs ay may tournament din sa nasabing araw. Kaya sabay na kami pumunta sa SM. At dahil pinangako ko, nilibre ko siya sa Starbucks. Habang hinihintay namin na ang relo ay pumatak ng 6PM, tumambay muna kami at naglaro muna sa kanya-kanyang PSP.

6:00 PM
Oras na ng tournament niya. Oras ko na rin para magbayad ng bill. Naghiwalay na kami para gawin na namin ang dapat gawin. Nakapagbayad na ko ng bill pero tinatamad pa ako umuwi. Pumunta nalang ako sa National Book Store para maghanap ng librong magandang basahin. May nahanap naman ako, pero hindi ko muna binili. Bigla may nagtext sakin. Si Chabs pala.

Chabs: Umuwi ka na?
Ako: Nope. Bakit?
Chabs: Andito si 'pag-ibig' XD
Ako: Talaga? Wait. Punta ako.

Pumunta talaga ako. Gusto ko rin kasi malaman kung sino ba talaga si 'pag-ibig'. Lagi niya kasi sakin nakukwento to dati. Pagdating ko sa Bowling Center, nakita ko na siya. Chinita. Ang type ni Chabs. :)) Lumapit sakin si Chabs para makipag-usap.

Habang nasa Bowling Center ako, lumibot ang mata ko sa paligid nito. Nakakamiss din pala mag-Bowling. Isang taon na ata akong hindi nakakapaglaro. Kahit hindi professional, eto ang favorite sport ko.

Umalis muna ako dahil magsisimula na ang laban nila. Pero bumalik din dahil wala akong mapuntahan habang hinihintay ko ang nanay ko. Nakatayo sa una. Napagod din ako kaya naghanap ako ng ma-uupuan.

Masaya manood ng tournament. Mapapa-mangha ka sa bawat hagis nila ng bola at mawawala parang bula ang mga nakapilang bowling pins. Mapapa-tagilid sa kaliwa o kanan ang ulo mo dahil parang nako-control mo ang pag-andar ng bola habang papalapit ito sa nag-iisang pin. Palakpak sa bawat manlalaro na nakaka-strike. Habang nanonood sa mga naglalaro, bigla kong naisip, "Paano kaya kung sineryoso ko dati ang paglalaro ng Bowling? Kasama kaya ako dito sa tournament na 'to?" May papalakpak kaya sakin kapag naka-strike ako?

Sayang. Hindi ko naisip 'to dati. Eh di sana ngayon, may pinagkaka-abalahan ako. Sana, practice ang ginagawa ko imbis na humarap sa computer para tumunganga. At sana ngayon, masaya ang summer ko dahil may natututunan ako sa mga ginagawa ko.

Sa ngayon, iniisip ko na mag-training. Dahil wala naman akong ginagawa at nalihigan ko na rin ang bowling, gusto ko mag-seryoso sa isang sport. Ewan ko kung susuportahan ako ng nanay ko, pero sana oo. Kung umayaw man siya, andiyan naman ang mga kapatid at kaibigan ko para suportahan ako. Makapag-practice araw-araw, makasali man sa tournament o hindi. Sana pag natapos ko ang training, marami akong matutunan at gumaling din katulad ng mga napanood ko kanina.

BOWLING, HERE I COME! :D



Salamat sa encouragement Chabs. Magte-training ako. Seryoso.
Pag-ibig. Code name lang yan. tinago ko ang pangalan niya kasi baka mabasa niya. XD

0 comments: