CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, May 11, 2008

my mother. her special day.

May 11, 2008

Ngayon ang isa sa pinaka-espesyal na araw sa nanay natin. Dahil ngayon ipinagdiriwang natin ang mothers day, Isang araw para pahalagahan at pasalamatan ang ating ina sa mga ginagawa nila upang tayo ay lumigaya.

Kahapon pa namin ipinagdiwang ang mothers day dahil ayaw namin makisabay sa daang-daang pamilya na pupunta sa SM bukas para ipagdiwang ito. Kumain kami sa labas at bumili ng mga kailangan sa bahay. Kaya nasa bahay lang kami buong araw ngayon.

Naisip-isip ko, ngayon lang ba dapat tayo magpasalamat sa mga ginawa sa atin ng ating ina? Sa sobrang dami ng ginawa sa atin ng ating ina, sapat ba ang isang araw? Sa labingwalong taon ko dito sa mundong ito, sapat ba iyon para pahalagahan ang nanay ko?

Dati feel ko hindi ako mahal ng nanay ko kasi hindi niya binibigay yung mga gusto ko. Sabi ko pa nga sa sarili ko: ano ba naman 'to si mama. minsan lang ako kung payagan sa mga events namin magkakaibigan. pero bakit si ate palaging pinapayagan? Pero nung nag-usap-usap kami magkakaibigan tungkol sa aming nga ina, nasabi ng isang kaibigan ko

"swerte mo dyan sa nanay mo kasi lahat naman ng gusto mo, binibigay niya. tulad ng mga gadgets mo, kami ba may ganyan? wala di ba? At sobrang bait ng nanay mo samin. Parang anak ang turing niya samin. At kaya naman minsan hindi nya binibigay ang gusto mo kasi nag-aalala siya sayo. Baka mapahamak ka. Syempre ayaw niya mangyari yun diba? Kaya pasalamat ka sa nanay mo. Sobrang swerte mo parekoi. :)"

Simula noon, araw-araw ng buhay ko lagi ako nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng isang ina na napaka-aruga. Isang ina na kahit subsob na sa trabaho, hindi niya hinahayaan ang kanyang anak at tinatawagan ka upang malaman niya kung ok ka. Isang ina na kahit hindi niya sinasabing mahal ka niya, alam mo na higit pa ito sa nararamdaman mo. Isang ina na ipagmamalaki mo sa buong mundo.

Proud ako dahil isa ako sa may inang ganyan. :)

Happy mothers day to my beloved mom! :)
and also to your mother. :)


I love you mom. and you know it. :)
"Loving you is like food to my soul. "

0 comments: