Maganda ang gising ko nun dahil kumpleto nanaman ang tulog ko at hindi masyadong mainit ang panahon. Pero pagkalipas ng ilang oras, dumidilim na ang kalangitan.
Nako, parang malakas ang ulan ah. nasabi ko sa sarili ko.
At yun na nga, bumuhos na ang ulan na kanina pa pilit na dinadala ng mga ulap. Dumaan sa akin ang isang malakas na hangin. Malamig. Masarap.
Maliligo ako sa ulan. Tama.
Niyaya ko ang aking pinsan na maligo sa ulan dahil nasabi niya rin sakin na kailangan niyang linisin yung drum ng tubig. Naligo na kami sa ulan at nilinis na namin yung drum. Tapos lumabas ako ng bahay dahil niyaya ako ng kaibigan ko na lumabas. Hinanap namin yung iba namin kaibigan. Nahanap namin sila sa basketball court. Umupo lang ako sa bench ng court at pinapanood sila maglaro. Binabantayan ko rin yung kasama naming batang babae. Nilapitan ko siya at kinausap.
"dear, ok ka lang?"
"opo."
"hindi ka ba nilalamig?"
"hindi po."
"ah. ok. dun lang ako sa bench pag kailangan mo ako ha? "
Pagkalipas ng ilang minuto, nagulat ako dahil may lumapit na lalaki sa bata. Naku, sino kaya yun? Tinignan ko ulit para malaman ko kung sino nga talaga iyon. Ngek, si aya lang pala. At nung tinitigan ko silang dalawa, nasabi ko nalang sa sarili ko wow. ang cute naman nila. Parang daddy siya tapos ung girl, daughter niya. Hala, ako momnmy?! hahaha *laughs* . Napatigil ako sa ilusyong iyon dahil napatingin sa sakin ang kahibigan ko at tinanong niya kung bakit tumatawa ako mag-isa.
Siguro dalawang oras din akong naligo sa ulan. Bumalik na ko sa bahay. Tumambay lang ako sa terrace ng bahay namin at umupo doon ng ilang minuto. Pinikit ko ang aking mga mata at tumingala ako sa langit. Hinayaan kong tumama sa aking mukha ang mga patak ng ulan. Masarap. Matagal ko na rin hindi nadarama ito. Taon na rin ang nakakalipas mula nung naligo ako sa ulan kasama ang mga kaibigan ko. Masarap sa pakiramdam.
Muli, nagsama-sama kami sa isang gawain na gustong-gusto naming gawin kahit noong musmos palang kami, ang maligo sa ulan. Kapag nakakasama ko sila, laging tumatama sa aking isipan ang mga pangyayari noong maliliit palang kami. Lahat ng takbuhan, takutan, kasiyahan, paglalaro sa labas hanggang 12 ng gabi, pagiging masunurin para lang makakain ng champorado, pagtatambay namin lahat sa iisang bahay, at marami pang iba. Naisip ko, kailan kaya mangyayari ito muli? Pa-unti unti na silang nawawala sa aming subdivision. Kaya konti nalang namin magka-kaibigan. Sila parin kaya ang makaksama ko kapag nangyari ito? Makakahanap pa kaya kami ng pagkakataon para magawa muli ito? Hindi ko hawak ang kapalarang ito, pero ang tanging hiling ko ay sana, sila parin ang kasama ko hanggang sa huling paglusong ko sa ulan.
- sukob na by 17-28 (i did some revisions :] )
0 comments:
Post a Comment