CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, May 20, 2008

one rage.

Naranasan mo na ba yung isang araw na kahit ilang text mo sa isang tao, ni isang reply niya wala? May load naman siya. Postpaid pa nga siya eh. Pero bakit ganun? Wala ako natanggap. Kahit isa. Wala. Nakakainis di ba?

May nakilala lang siyang bago, nag-iba na ang pakikitungo niya sakin. Nasabi ko sa sarili ko: Maganda naman kasi ata yung nakilala niya. At alam kong wala akong laban. Hindi naman ako maganda eh, tanggap ko yun. Kaya malamang, siya ang pipiliin niya at hindi ako. Hindi na siya yung dating nakaka-usap ko lagi. Yung madaling lapitan. Yung tipong isang text mo lang, mag-rereply na siya agad. Sobrang biglaan yung hindi niya pagpaparamdam sa akin.

Okay. tumigil ka nga muna. Mag-isip ka mabuti. Hindi naman ako pwedeng magalit. Ay mali. Hindi dapat ako magalit sa kanya dahil wala naman akong sapat na dahilan para magalit sa kanya. Pero bakit ganun siya? Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama.

Sinubukan kong makalimutan siya sa isang buwan. Binura ko lahat, as in LAHAT ng numbers niya sa cellphone ko. Sumunod, naka-permanent invisible ako sakanya ngayon sa YM(yahoo messenger) para hindi niya ako makita. Para naman mamiss niya ako di ba?

Pero sa paglipas ng ilang linggo, naisip ko na parang mali ata yung ginagawa ko. Kasi parang walang epekto sa kanya lahat ng ginawa ko. Ako pa ata etong nakakamiss sa kanya. Hindi siya. Hindi nya ako namimiss. Ang masaklap pa dun, yung laging kasama niya ngayon, yun pa yung namimiss niya. Masakit pakinggan di ba? Grabe naman yun. Ginagawa ko lahat ng paraan para mamiss niya ako kahit isang beses lang. Pero, ibang tao parin yung namimiss niya. Nakakalungkot. Nakakainis. Nakakabwisit.

Ngayon, masasabi ko na masaya na ko dahil alam kong masaya naman siya sa 'pag-ibig' niya. Pero hindi ko maiwasan na minsan, iniisip ko siya, kasama ng lahat ng masasayang araw na kasama ko siya. Nakakalungkot mang isipin, pero hindi ko na ito maibabalik pa. Hinihintay ko nalang ang panahon na babalik siya, kung saan niya ako iniwan. Kung hindi man bukas, baka sa susunod na araw, andyan na siya.


Lahat ng masasayang araw na magkakasama kami, tinatago ko iyon. Dahil masaya kaming dalawa noon. At yun lang ang nagbibigay sakin ng dahilan para mabuhay ng masaya.
-From a TV show. (I made some revisions. )

0 comments: