CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, May 19, 2009

25 Random Things

Okay, this is how it works. Once you've been tagged you are supposed to write a note with 25 random things, facts, habits or anything about you. At the end you choose 25 people to be tagged.

Here it goes.

1. Hindi halata sakin 'to, pero mahilig ako magbasa. Minsan kasi gusto ko muna basahin ang book bago ko panoorin ang motion picture nito. Minsan naman for fun. Kadalasan, wala lang magawa. Haha!

2. Eto weird talaga. Hindi ako kuntento pag wala akong relo. Minsan kasi time freak ako. Yung tipong laging tumitingin sa relo kahit 10 minutes palang ang nakakalipas. Pero 'wag ka, kahit time freak ako, late parin ako sa school. XD What time is it? It's Techno Marine time!

3. Insomniac ako. Kahit school days 1am na ko nakakatulog. Pero matakaw ako sa tulog. Pag araw ng pahinga ko, minimum of 12 hours ang tulog ko. Hahaha! XD

4. Bata palang, mahilig na ko sa signature stuffs. Ewan ko kung bakit ko nahiligan ang mga ito. Shoes, clothes, bags, everything signature. from Zara to Louis Vuitton. Haha! Don't worry, gumagamit parin ako ng damit na galing Greenhills at Divisoria. :D

5. I love Starbucks tumblers. Yung unang-una kong tumbler kasi nasira ko. Pinairal ko kasi ang katangahan ko. Haha! Sa ngayon, meron akong 4 tumblers. May Valentine's edition na binili ko para siya nalang ang maging ka-date ko. XD, Christmas edition na niregalo sakin ng kaibigan ko dahil yun ang nasa wishlist ko, ang ngayon ko lang nahanap na Limited edition na sa Tagaytay ko pa nabili, at ang latest, Earth day tumbler na regalo ng kapatid ko.

6. Eto weird para sa isang babae. Hindi ako sanay mag-ayos ng sarili ko. Basta maayos na ang pagsuklay ng buhok ko at wala na madumi sa aking mukha, aalis na ko. Pero pag maayos ang itsura ko, iba na yan. May kikitain ako nyan kaya kailangan mag-ayos. Haha!

7. Isa pang weird sakin. Hindi ako mahilig sa hair treatments. Relax, pa-kulot, rebond, hot oil, pakulay. Haircut lang ang gusto ko. Marami nga nagatatanong kung pina-kulot ko daw ba yung buhok ko. Isang salita: Hindi. Hindi ko naman kasi kailangan ang mga nabanggit. Basta alam mong tama ang pag-alaga mo sa buhok mo, hindi mo na kailangan ang iba.

8. Hindi ako magaling sa kahit isang sport. Haha! Kung makikita mo man ako naglalaro, hobby lang yun. Marunong hindi magaling. Seseryosohin ko ngayon ang bowling. :D

9. Maaasahan ako sa Math 'wag lang sa English. Tama nga ang sabi ng iba. Kung matalino ka sa Math, wag mo na asahin na magaling ka rin sa English. Ayoko talaga ng English since nagstart ako ng school. At simulang gumana na ang utak ko, nahiligan ko na ang mga numero. :D

10. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko manirahan dito sa Pilipinas kesa sa ibang bansa. Ayon nga sa kasabihan, "There's no place like home." Kahit na naghihirap ang Pilipinas, gusto ko pa rin manirahan dito dahil ang layunin ko talaga para maging dentista ay para makasama sa mga medical/dental missions dito. Basta, ayoko sa ibang bansa. Vacation pwede pa. :))

11. Mahilig akong gumastos. Lalo na kung pagkain ang pinag-uusapan. Pero, kung may gusto akong gamit, pag-iipunan ko talaga yan. Sa ngayon, camera lenses and accessories ang pinag-iipunan ko. :)

12. Music is my remedy. Kung gusto ko sumaya, makikinig lang ako ng happy songs para maging masaya ako. Pampatulog ko rin ang musika. Laht ng genre ng music gusto ko, 'wag na 'wag lang ang mga rock music na puro sigaw. Noise na yun, hindi music. Hindi masaya ang buhay kung walang musika.

13. Ewan ko lang kung weird to. Malamang oo dahil hindi to karaniwan sa mga babae. Mahilig ako sa games. Online man or sa PSP lang. Nagsimula ang ka-adikan ko sa games nang magkaroon kami ng PS One years ago. Nahiligan ko naman ang online games ng ininstall si Chabs at nagsimula akong maglaro ng Ragnarok Online. Mahilig kasi ako sa Role-Playing games (or RPG). Isa rin sa pinaka-gusto kong laro ang Final Fantasy Series. Hindi na siguro maalis sakin ang pagkahilig ko sa mga ito dahil naging parte na sila ng buhay ko.

14. Ewan ko kung kasama ba dapat to dito pero ilalagay ko na dahil wala na ko masulat. I'm a techie person. Cellphones, music players, cameras. You name it, I got it. Kaya binansagan akong Gadget Girl ng highschool at pati college friends ko. Pero hindi naman lahat ng gadget binibili ko. Yung mga kailangan at gusto ko lang. :)

15. Ako ay maka-green. Green in a sense na environment-friendly. Hindi ako nagtatapon kung saan-saan. I use organic/reusable bag if possible.

16. Madalas mo akong makikitang mag-isa, lalo na sa mall. Pero sa school hindi kasi marami naman akong makakasama. Ewan ko ba kung bakit minsan gusto ko mag-isa lang ako. Hindi naman sa ayoko na may kasama ako. Mas marami kasi akong naiisip at nare-realize pag mag-isa lang ako. Kaya ayun, bitter. :| HAHA

17.Hindi ako marunong magluto. Kumain lang ang alam kong gawin. Sorry na. =)) Pero pag may time mag-aaral ako. :)

18. Part na ng routine ko ang tumapat sa computer. Wala naman akong ginagawa sa computer kundi mag-internet or maglaro. Haha! Masaya na ko pag nakakalaro o nakakapag-internet ako for 5hours. :D

19. Photography. My new love. :)

20. Hindi ako mahilig magtext. Dati lang. Siguro kasi marami akong katext dati. Ngayon, wala na. Poor me. HAHA Pero pag magtetext ka sakin, magrereply ako agad. Trust me. :)

21. Madali akong maka-alala ng birthdays. Basta nasabi mo sakin kung kailan birthday moo, maalala ko yan. Wala nga lang gift. HAHA

22. I'm a procrastinator. Pag mahaba pa ang oras, mamaya ko pa gagawin. Eto na ang worst habit ko. Hindi na mawawala sakin ang cramming. Gusto ko baguhin ang trait na 'to pero hindi ko magawa. :|

23. Minsan naisip ko na ang future ko na NBSB parin ako. (NBSB = No Boyfriend Since Birth) Grumaduate sa dent ng NBSB. HAY NAKO. AYOKO. =)) N> BF. HAHA xD

24. Hindi ko alam kung bakit kinuha ko ang course na DENTISTRY. Ang gusto ko lang talaga maging doctor. Period. haha!

25. Ayoko sa lahat yung iniiwan ako. Yung may plano tapos bigla nalang akong iiwan. Nangyari na sakin to. Napaiyak lang ako sa sobrang galit. Midterms ko pa nun. Kaya wag mo gagawin sakin yan. :)



Natapos ko na rin siya. FINALLY. HAHA
Mahirap mag-isip. Gawa rin kayo :)

Sunday, May 17, 2009

Getting to Know Myself

I got this tag at Facebook from my friend. Since I'm lazy to tag it to others, I'll just put it here. :)

Instructions:
1. Open this website : http://www.quizbox.com/personality/test82.aspx
2. Take the Personality Quiz (it's VERY short and easy, really)
3. Copy Paste the result to Facebook.
4. Tag your 20 friends including me =)

Your view on yourself:

You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.

- I think this is true. My
friends loves me that way.


The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:

You are a true romantic. When you are in love, you will do anything and everything to keep your love true.

- TRUE. 'Nu
ff said.


Your readiness to commit to a relationship:

You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.

- I'll agree with this. Maybe this the reason why I don't have a boy
friend.


The seriousness of your love:

Your have very sensible tactics when approaching the opposite sex. In many ways people find your straightforwardness attractive, so you will find yourself with plenty of dates.

- I don't know how to react on this one. I've never been on a date. :)) Seriously.


Your views on education

Education is less important than the real world out there, away from the classroom. Deep inside you want to start working, earning money and living on your own.

- Not true. Education is very important
for me.


The right job for you:

You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

- True. Another reason why I took up Dentistry.


How do you view success:

You are afraid of failure and scared to have a go at the career you would like to have in case you don't succeed. Don't give up when you haven't yet even started! Be courageous.

- Agree. Added to that, I'm pessimistic sometimes.


What are you most afraid of:

You are afraid of things that you cannot control. Sometimes you show your anger to cover up how you feel.

- Sometimes true. Sometimes not.


Who is your true self:

You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.

- Agree. :)

Thursday, May 14, 2009

Her Letter to the Ex

Nabasa ko to sa Multiply ng highschool friend ko. May favor siya, at gusto ko siya tulungan. Wala masyado nakakakilala ng blog ko, pero at least I helped her to spread her message.

OK here it goes.

Seriously. Ngayon ko lang 'to gagawin sa buong buhay ko. I need you to do me a favor. Whatever will be written here, I want you to copy and paste it. post it anywhere [facebook or multiply, I really do not care] just please please repost it.

reason: There is this person that I really really love and somehow that person would not want to talk to me for at least three months. This is the only way that I could think of so that I would be able to give this message to that person. Parang gm lang. Kahit alam ko na hindi niyo siya kilala, sigurado ako na makakarating sa kanya 'to. That's the power of messages, right? kaya, please, if ever mabasa niyo 'to, irepost niyo.

True love is at stake.

To my dearest ex.

I know you wouldn't want to talk to me. You told me not to talk to you for at least three months. So far, I am able to follow your orders. Halos isang buwan narin. Sana hindi naman masama na ginawa ko 'to. Technically, I am not breaking the rules dahil wala ka naman sinabi na bawal ako gumawa ng ganito para sayo.

I do not blame you for what happened. I personally knew that we need this break for the both of us. I just couldn't accept it at that time. I want you to know that it is not your fault. Maybe I have hurt you so much too many times for always putting the blame on you. for always making you feel that you are the "bad guy", but then I have realized [it may be too late] that the blame should be on the both of us. Believe me, I really tried to be the most mature person that I can in handling our break up. The pain is crushing me every single day. I am trying to put answers on my own questions just so I can satisfy myself. I swore to myself that I will never entrust my heart to you again.

BUT. it's still you. There was no effort coming from me. I did not tell myself to love and choose you again, BUT I DO.

THIS HEART IS STILL BEATING FOR THAT SAME PERSON IT SWORE NEVER TO LOVE AND TRUST AGAIN.

BUT IF IN CASE you do not feel the same for me anymore, I am ready to accept it. If it is not me you want in your life anymore, I will accept it. Just know that this heart is fixing itself and the trust is rebuilding itself, preparing and waiting for your come back. I know that I have a lot to prove to you. This time I am the one who needs to prove the love. Not you. You've done so much for me already. Too late, I know. I am really really sorry if I took you for granted. I'm sorry, I really am. :(

If you are happy and contented and you think that your life would be better without me, it's okay. Cliche as this might sound, if setting you free is the last and final way that I can show you how much I love you, know that I would cooperate. Just please, please, never forget that when everything in your life becomes uncertain, there is somebody here ready to offer you 1 thing certain. and that would be my genuine love for you.

I know that you do not expect me to say things like this because as I said, this is not my usual. You might have expected me a message full of anger and pain, but see, it's not. I am not mad at you. I was never mad at you. I just felt hurt. I know we can't be friends anymore, more so we cannot be "us" anymore, and guess what, I really hate that part.

Just be happy, okay?

It's okay if you still need to find things on your own and if you need to do things without me. I understand. I had my shot and obviously I sucked. fault is on me now. And guilt is really bugging me.

hey, I'm really sorry. Really. with all my heart. I'm sorry if I have not been much of a good partner. I really am. I hope that someday, you'll find a place in your heart to forgive me.

I'll only say this once, I miss you. and I still love you.

Thank you for being my bestest best best friend in the entire world. :)

having you made everything really easy to deal with.

it was a package - a friend, a bestfriend, a confidante, a lover, and the best partner in life. :)

be brave, little one. :) and take care. :)

The person who felt the best love in the entire world,

PK

[btw, sorry if this has been a crappy message. random thoughts y'know]

"but something in my heart just would not let you go... I just wanna know.

What if we were wrong about each other, what if you were really made for me."

* I REALLY REALLY LOVE THIS PERSON THAT'S WHY I'LL OWE YOU BIG TIME IF THIS MESSAGE WILL REACH ITS DESTINATION.



Sana nakatulong ako Dhee. I'm here to help. :)

[edit]
Sabi sakin ng friend ko na hindi sa kanya galing yung letter. Nag-forward lang daw siya. Naloko ako. Haha!
Grabe ka Dhee! Nahuli mo ko dun ah! XD
[/edit]

Friday, May 8, 2009

Turning Serious

08 May 2009

Kinakailangan kong magbayad ng bill sa araw na ito. Ang kaibigan kong si Chabs ay may tournament din sa nasabing araw. Kaya sabay na kami pumunta sa SM. At dahil pinangako ko, nilibre ko siya sa Starbucks. Habang hinihintay namin na ang relo ay pumatak ng 6PM, tumambay muna kami at naglaro muna sa kanya-kanyang PSP.

6:00 PM
Oras na ng tournament niya. Oras ko na rin para magbayad ng bill. Naghiwalay na kami para gawin na namin ang dapat gawin. Nakapagbayad na ko ng bill pero tinatamad pa ako umuwi. Pumunta nalang ako sa National Book Store para maghanap ng librong magandang basahin. May nahanap naman ako, pero hindi ko muna binili. Bigla may nagtext sakin. Si Chabs pala.

Chabs: Umuwi ka na?
Ako: Nope. Bakit?
Chabs: Andito si 'pag-ibig' XD
Ako: Talaga? Wait. Punta ako.

Pumunta talaga ako. Gusto ko rin kasi malaman kung sino ba talaga si 'pag-ibig'. Lagi niya kasi sakin nakukwento to dati. Pagdating ko sa Bowling Center, nakita ko na siya. Chinita. Ang type ni Chabs. :)) Lumapit sakin si Chabs para makipag-usap.

Habang nasa Bowling Center ako, lumibot ang mata ko sa paligid nito. Nakakamiss din pala mag-Bowling. Isang taon na ata akong hindi nakakapaglaro. Kahit hindi professional, eto ang favorite sport ko.

Umalis muna ako dahil magsisimula na ang laban nila. Pero bumalik din dahil wala akong mapuntahan habang hinihintay ko ang nanay ko. Nakatayo sa una. Napagod din ako kaya naghanap ako ng ma-uupuan.

Masaya manood ng tournament. Mapapa-mangha ka sa bawat hagis nila ng bola at mawawala parang bula ang mga nakapilang bowling pins. Mapapa-tagilid sa kaliwa o kanan ang ulo mo dahil parang nako-control mo ang pag-andar ng bola habang papalapit ito sa nag-iisang pin. Palakpak sa bawat manlalaro na nakaka-strike. Habang nanonood sa mga naglalaro, bigla kong naisip, "Paano kaya kung sineryoso ko dati ang paglalaro ng Bowling? Kasama kaya ako dito sa tournament na 'to?" May papalakpak kaya sakin kapag naka-strike ako?

Sayang. Hindi ko naisip 'to dati. Eh di sana ngayon, may pinagkaka-abalahan ako. Sana, practice ang ginagawa ko imbis na humarap sa computer para tumunganga. At sana ngayon, masaya ang summer ko dahil may natututunan ako sa mga ginagawa ko.

Sa ngayon, iniisip ko na mag-training. Dahil wala naman akong ginagawa at nalihigan ko na rin ang bowling, gusto ko mag-seryoso sa isang sport. Ewan ko kung susuportahan ako ng nanay ko, pero sana oo. Kung umayaw man siya, andiyan naman ang mga kapatid at kaibigan ko para suportahan ako. Makapag-practice araw-araw, makasali man sa tournament o hindi. Sana pag natapos ko ang training, marami akong matutunan at gumaling din katulad ng mga napanood ko kanina.

BOWLING, HERE I COME! :D



Salamat sa encouragement Chabs. Magte-training ako. Seryoso.
Pag-ibig. Code name lang yan. tinago ko ang pangalan niya kasi baka mabasa niya. XD

Sunday, May 3, 2009

Say It All

Nakita ko ito sa Multiply ni Chabs. Nang mabasa ko, parang marami din akong masasabi. Kaya ginaya ko na. Haha! Mahaba to pero worth it naman kung babasahin. Malay mo, andyan ka. :) Korny man ang dating o hindi, totoo lahat yan. :)


Twelve things you wish you could say to 12 different people right now. (don't tell us who it is)

1. Chu! Isa ka sa pinaka-close kong friend sa school ngayon. Hindi ko alam kung paano nangyari ang maging close ang tao(ako) sa aso(ikaw). Haha! Joke lang. Alam mo naman lab kita eh. :) Salamat dahil lagi ka andyan. Lagi mo ako pinapatawa eh. Kasi minsan pag nag-uusap tayo hindi na tayo nagkakaintindihan. Oo o watebuuur nalang ang sinasagot natin. Ikaw ang kakampi ko pag trip ko mang-asar. Ay, hindi. Ikaw pala ang pasimuno. Ako pala ang kumakampi. Haha! Ikaw ang isa sa mga pumupuno ng inbox ko. Napansin ko nga eh. Pareho kayo ni Michin na lagi kong ka-text. Sa hug na binibigay mo sakin pag nakikita mo ko. Minsan kasi nalulungkot ako kahit may kasama ako sa A. Parang may wall samin. Kaya ayun, OP. Dahil sa hug mo, nawawala ng konti yung lungkot ko. Ikaw lang ang nakaka-usap ko pag ang topic ay signature stu
ffs. Haha! Yan lang naaalala ko. Basta salamat sa lahat. Pagsabihan mo yung mga kaklase natin na tumino na ha? Dentistry na to, wala na atrasan. Mag-ayos ka minsan. Ang cute mo kaya pag naka-head band ka. :) Wag na gagawin ang salubong na mata. Baka hindi na bumalik. Haha! :)) At wag na matutulog sa pintuan ng LRT. Baka mahulog ka. XD I miss you! :D

2. Bes! Oo, ikaw. Ikaw ang isa sa mga sobrang nakakakilala sakin sa Mater. Paano ba naman, pa-bawas tayo ng pa-bawas nung malapit na tayo grumaduate. Dati marami tayo. Tapos nagka-
bf or gf yung iba. Hanggang sa dalawa nalang tayo. Haha! Sayo ko na ata nakwento lahat ng nangyari sa buhay ko. Salamat bes sa lahat. Lagi ka kasi andyan para sakin. Tinetext mo ko pag unli ka. Sorry kung hindi ako nagrereply. Busy lang talaga. Babawi ako. :) Sa pagsabay sakin pag uwian na. Kahit na sa jeep tayo maghihiwalay, sinasabayan mo parin ako. Sa lahat ng advice na binigay mo. Sa paturo mo sakin pag nahihirapan ako minsan. Lapit ka na grumaduate. Ako matagal pa. Pagbutihin an pag-aaral. Iskolar ka ng bayan eh! Proud ako para sayo. Tetext kita pag kailangan ko ng pasyente ha? Ikaw pa rin ang idol ko sa Math. Miss you bes. :)

3. Eversince nakilala kita, crush na kita. Naalala ko grade 5 ako nun, tapos ikaw highschool. A
fter highschool mo, hindi na kita nakikita. Pero ikaw parin ang number one crush ko. Then nung nasa college na ko, nalaman ko nalang na pareho pala tayo ng course na kinukuha. Pero hindi pareho ng school. Haha! Tapos naglalaro tayo ng online games na inaabot tayo ng madaling araw. Pinapagalitan pa nga tayo ng mga nanay natin diba? XD 'We remain loyal to each other!' - yan ang opening message ng guild natin. Iisang guild at iisang party. Walang iwanan. :D Naalala ko rin nung battle of the bands sa Alma Mater natin, bigla kitang nakita at sa sobrang gulat ko, niyakap nalang kita. Salamat sa lahat ha? Sa pagsama samin sa online game kahit madaling araw na para lang makapa level-up kami. Sa maraming heal, full buffs, at sa magni. Pasensya na kung lagi ako deds kasi nagloloko ang internet connection namin. Haha! Sa pagtambay sa favorite spot natin kahit wala tayong ginagawa. DMD ka na, Dentistry student palang ako. Madami pa tayong pagsasamahan nyan. Kahit tumaba ka na, ikaw parin ang ultimate crush ko.

4. Hey you, KCW! Crazy Bone! Haha! XD Isa ka sa pinaka-close kong kaibigan ngayong college. Ewan ko kung bakit naging super close tayo. Siguro na rin kasi sa maraming bagay tayo nagkakasundo. Paramihan tayo kung kumain. Pero hindi tayo tumataba. Pareho tayong adik sa kape, pagkain at Resctaurant City. Parte na ng buhay natin ang pagharap sa computer. Pareho nating pinapapak ang Nutella. Dahil sa'yo, nahiligan ko ang anime at Jpop. Salamat kasi lagi ka andyan sakin. Salamat kasi nung kailangan ko ng kasamang kumain sa Mcdo, ikaw ang sumama sakin. Na-experience mo na gamitin ang camera ko. Mabigat ba? Haha! Yung goal natin ngayong summer ha? Kailangan nating tumaba. Ok lang sakin na paggigilan mo ang buong kamay ko kapag nakikita mo si crush. Let's payt at Tekken agen! awoo~! Tama na muna ang panonood ng anime. Nagiging linya na lang ang mata mo pag ngumingiti ka. Lagi ka lang humawak kay ate pag tatawid tayo, OK? :) Text mo ko pag gagala kayo. Walang tanong-tanong, sasama ako. :)

5. Well, sa simula hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo mo nakuha ang moblie number ko. Haha! Naalala ko tinanong mo ako dati kung saan ako nag-aaral. Akalain mo, dun ka rin pala nag-aaral! Simula nun, madalas na kitang ka-text. Minsan nga diba kausap pa sa telepono? Nang tumugtog ka gamit ng gitara sa harap ko, naging crush na kita. Hindi ko talaga makakalimutan yung isang gabi na may sinabi ka sakin. Grabe, hindi ako nakatulog nun. Ewan ko ba kung joke lang ba yun o totoo. Pero wag ka, kinilig ako dun. Sobra. Haha! :)) Naalala ko pa yung gabi hanggang madaling araw tayo nag-uusap sa telepono na napuputol lang dahil wala na battery ang cordless phone niyo. XD Hindi pa matatapos dun, magtetext pa hanggang ang isa ay tulog na. Haha! :)) Ngayon, sa PSP at Photography nalang tayo nagkakasundo. Alam ko masayang-masaya ka sakanya ngayon. I'm happy
for you. Samahan mo ko sa shop at gamitan natin ng charms para free ang PS3 at games! XD Ikaw lang ang makaka-kumpleto sa double smile ko. I miss you musicnotes. ǖǖ

6. Hello besh! :) Ang tagal na natin hindi nagkikita. Tapos ang pag-uusap natin sa chat lang.Lahat ng kalokohan natin namimiss ko na. Tawanan, iyakan,kulitan,lokohan, lahat yan nagawa natin ng magkasama tayo. Naalala ko pag pumupunta kayo dito sa bahay o sa bahay para manggulo at gabi na kayo umuuwi. Lahat ng ginagawa natin namimiss ko na. Kasi kahit isang araw lang hindi tayo nagkakasama. Kahit ngayong summer, wala. Sana maka-gala tayo kahit isang araw lang. Salamat sa lahat besh. Sa advice na binibigay mo sakin. Sa pagsama sakin na makinig ng dreamsounds hanggang madaling araw. Salamat sa lahat. Minsan naman pag may battle punta ka naman. Andun ako lagi. Tapos kwnetuhan. Shawarma nga tayo minsan. Namiss ko na yun eh. :)) Libro daw ni kat, hinihingi na niya. XD Sobrang miss na kita. :)

7. Dear (simula palang may clue na), ikaw na ata ang
friend-'til-the-end ko. Simula palang sa school natin, tayo na ang magkasama. Kahit sa province ka nag-aral for 1 year, hindi parin nawala ang pag-uusap natin. Tapos nung nasa college na ko, sinasamahan mo ako umuwi. Hindi mo 'to alam pero sasabihin ko na, I feel secured whenever you're beside me. Pag wala tayong magawa, maghahanap lang ng kahit ano, starbucks sa SM, pwede na. Naalala mo ba na naging tawagan natin ang bf-gf? Kasi everytime may nakakakita satin, akala nila tayo. Oh well, hanggang ngayon ang alam pa rin nila tayo. XD Naalala mo ba yung pumunta ka sa bahay para ikwento mo sakin si 'pag-ibig'? Pagkatapos ng 3 buwan, pumunta ka ulit sa bahay, ngayon naman para umiyak dahil kay 'pag-ibig'. Wag ka na umiyak ha? Ayaw na ayaw ko nakikita kitang malungkot. Kung pwede lang pumunta sa bahay niyo para lang i-hug ka, maraming beses ko na ginawa. Maraming salamat sa lahat bf. Sa pag-introduce sakin ng Cinnamon Swirl, Caramel frap, at Dulce de Leche. Lahat sila naging favorite ko. Sa pagsama sakin sa online game kahit 4am na, makapag-level up lang ang GS natin. Ipapakasal pa natin yun diba? XD Sa paglibre pag sinasamahan mo ko pauwi. Kahit na gusto ko ako magbayad satin dalawa, ayaw mo pa rin magpatalo sakin. Sa balikat mo na laging andyan pag inaantok o nahihilo ako. Sa pagsama mo sakin sa Quiapo para mag-canvass ng camera o accessories. Sa photography lessons at tips. Andito lang ako para sa'yo. Pag may gusto ka ikwento o kailangan mo lang ng makaka-usap at masasandalan, daan ka lang sa bahay namin. "You still can't do it! I dare you! Haha!" - ewan ko kung naalala mo pa ito o hindi na. *evil grin* Ikaw parin ang idol ko sa bowling. :) May utang ka pa sakin na hug. Pag may problema ka sa math, text mo lang ako, tutulungan kita. Starbs tayo minsan. Namiss na kitang kasama eh. Araw-araw kita namimiss, totoo yan. Hinding-hindi kita iiwan.

8.
You! "chu-ru-chu-chu-chu-ru ah-ah ahhh. Disco lady disco lady" - Ang favorite song natin! Dahil sayo naging favorite ko na rin ata ang violet. Haha! Isa ka rin sa naging super close friend dahil na rin siguro ikaw ang sister ko. Sa dami natin ng same interests natin lagi na tuloy tayo makakasama. Hindi buddy-buddy system satin eh. Dapat buddy-buddy-buddy system. Haha! XD Akalain mo ako pa ang naging ate sa inyong dalawa ni Michin. Ako ang dakilang taga-tawid ng kapatid. Haha! Salamat dahil isa ka rin sa nakakasama ko pag umuuwi ako samin. Ikaw naman uuwi sa bahay ni bf. Haha! Infinity and beyond with papa *toot*! Haha! I'm happy for the both of you. Pag nag-away kayo, pag uuntugin ko yung ulo niyo. Haha! :D Bago pa mawalan ang utak ko ng sasabihin, sabihin ko na salamat sa lahat. May makalimutan man ako, basta, salamat. Ayusin na natin ang sleeping cycle natin. XD Mag-aral ng mabuti. Wag na dumepende sa desk. Haha! Pag tatawid, hawak ka lang kay ate. :)

9. Siberian Husky! :) Ewan ko kung mababasa mo to. Pero ikaw ang naisipan ko na isama dito eh. Kayong dalawa ni Rochie ang
forever seatmate ko kasi lagi tayong nakakatabi. Naalala ko pag exam sa computer, ako nagsasagot ng questionnaire niyo kasi pareho kayo ng set. Akin lang yung naiiba. Haha! At dahil nasa gitna ako, no choice. XD Lagi pa tayo pinapagalitan ni ma'm Albu kasi maingay tayo. Naalala ko tuloy yung "ano kaya ang magiging scenario pag pagkita tayo sa PDA convention 10 years from now?" Kulit ng kwento natin. Haha! XD Mag-aral ka na ha? Wag na masyadong mayabang. Oo na, may itsura ka. Pero tandaan mo na major turn-off ang masyadong mayabang, okies cookies? Magpakatino ka na. Dentistry na to. Seryoso na. Tama na muna ang dotA. Wag mo kakalimutan yung goal natin ha? Kailangan natin maabot ang diplomat degree. Tayo magiging officer ng PDA. Ikaw parin ang aso ko. See you around. :)

10. Isang section kayo dito sa iisang number na to. Lagi niyo ako pinapasaya. Hindi ko alam kung paano niyo ginagawa yun.
Salamat sa inyong lahat. Sa pagbati sakin pag nakakasalubong ko kayo. Hinding-hindi niyo ako nakakalimutan i-greet kahit minsan nasa ilalim na tayo ng sikat ng araw. Minsan pa nga may hug pa. Nawawala lungkot ko dahil sainyo. Sa inyo ko lang nalaman na ang dapat pala mag-aral ay ang desk hindi ang tao. Haha! At pag pumupunta ako sa classroom niyo, feel ko super welcome ako. Kaya gusto ko bumalik-balik sa classroom niyo eh. Kasi parang part parin ako ng C. Sa mga panahon na sobrang ingay natin na nag-walk out na ang ibang prof. Haha! Sa lahat ng kalokohan pero masaya naman. Sa lokohan, bangayan, tawanan, pagkain ng butong pakwan, at sa lakwatsa pag walang prof. Dito ko nadama kung gaano kasaya ang college life. Ngayon, alam ko na kung bakit ako biglang nalipat sa C. Namimiss ko na kayong lahat. I love you guys. :)

11. Kayong tatlo! Hindi ko akalain kayo ang magiging ka-close ko sa bagong section ko. Dapat babae ang magiging ka-close ko pero kayo ang nakakakilala sakin kesa sa kanilang lahat. Prend1, lagi ako natutuwa kapag pinapakita mo yung nakaka-asar pero cute mong smile. Buti nalang ka-text kita nung nagkaka-problema ako kay seryoso guy. Haha! Salamat sa mga panahon na andyan ka kapag kailangan ko ng sagot sa tanong ko. Sa pagpapatawa sakin pag stressed-out ako dahil sa mga ginagawa natin sa school. POWER! Haha! XD Prend2, ikaw yata ang pinaka-close ko sa inyong tatlo. Lagi ba naman kita kausap eh. Haha! Salamat sa pagsabay sa akin pag umuuwi ako sa
fairview. Wag na wag mo sasabihin sa iba yung sinabi ko sa'yo ha? Haha! Wag ka mag-alala lahat ng sinabi mo sakin, hindi ko pagkakalat yun. Prend3, may crush ka pa rin ba sa jacket kong musicnotes? Haha! Salamat din sa pagsabay sakin pag umuuwi ako sa fairview. Masanay ka na rin kung minsan makulit ako. Ganyan lang talaga ako sa kaibigan ko. Marami ka pa ikukwento sakin! Haha! Galingan natin ngayon sa GenAna1! Pataobin natin si Dr.B! :D

12. (Pag wala ka dito, malamang nasa taas ka.) Isang grupo kayo dito kaya lahat na ng gusto ko sabihin, go figure kung san ka dyan. :D Maraming salamat sa inyo. Nakilala na ko ni Kuya Mcdo dahil sa pang-aasar niyo! Haha! Na-touch ako sa cake. At ang sarap ng cake! Super! :D Ikaw, dahil ikaw ang kasabayan ko pauwi. Hindi ko feel na mag-isa lang ako pag andyan ka. Ikaw, kasi lagi ka andyan pa may gala. Tayo lang ata ang hindi nawawala sa gala noh? Haha! Saraaap mo talaga i-hug! :D Ikaw, dahil sayo naging loud mouth na rin ako. Lagi kasi pa-sigaw yung boses mo eh! :D Ikaw, kahit ayaw ko sayo ng una (at ganun ka rin pala sakin) nagkasundo parin tayo sa iisang bagay, ang Starbucks. Haha! Text ka lang pag Starbucks tayo ulet. Ikaw, kasi natuwa talaga ako sa opening mo nung birthday ko. Yung "jan-jaran-jan-jan!" with matching effort pa para marinig ng lahat! :) Ikaw, pag nakikita kita lagi kang badtrip. Pero natutuwa ako sayo pag minsan hindi ka maka-get over sa isang joke. Ang cute ng tawa mo eh. Nakakahawa. Haha! Ikaw, kasi small but terrible ka. Halimaw ka sa physics eh. Idol! Haha! Ikaw, dahil sa mabagal ka gumalaw, bumabagal din kaming lahat! Idol kita sa reporting. :D And lastly, to you, you're my
first foreign friend that I got close with. Even we have different cultures, we still have same interests. To all, I love you guys so much. Hindi na naman tayo magkakasama. Basta pag may gala, text niyo lang ako. :)


Nine things about yourself.
1. I'm easy to please.
2. Photography and music. They're my li
fe now.
3. I eat a lot. As in A LOT. Pero payat ako. Hindi ko alam kung bakit.
4. Masayahin akong tao. I love everything around me.
5. I love to smile. :D
6. Math. Math. Math! Bigay mo sakin ang Math problems mo, ako na sasagot.
7. I'm a techie person. Kaya ako ang gadget girl sa classroom namin. PSP, iPod, you name it, I got it. :)
8. Insomiac ako. Pero matakaw din ako sa tulog. :))
9. Lagi ako nakaharap sa computer. Kaya lagi akong online. Wag lang pag school days. Nasa dorm ako eh. :)


Eight ways to win your heart.
1. Make me smile. Always. :)
2. Play an instrument
for me. + points sa kakanta. Hahaha! :D
3. Surprise me with anything. Don't worry, mababaw ang kaligayahan ko. :)
4. Samahan mo ko pag kailangan ko ng kasama.
5. Pilitin mo ko mag-simba. Yung tipong 8am mass. Mahirap akong mapasama sa ganyan Kasi tulog pa ko nyan. Hahaha!
6. Isang date. Yun lang. Sabi sayo mababaw ako eh. Hahaha! :P
7. Photoshoot! Samahan mo ko kahit digicam lang ang hawak mo. Mas maganda pag naka-SLR ka. :D
8. Bouquet o
f flowers. Kapag binigyan mo ko, ikaw ang unang-una magbibigay sakin ng mga bulaklak. :">


Seven things that cross your mind a lot.
1. friends
2. My
future
3. Dear
4. My parents
5. Lovelife. :((
6. Con
fusing questions
7. Dentistry


Six little stupid things you want to happen to you before you die
1. Makapag-travel around the world!
2. Makapag-sky diving! Hahaha!
3. Makuha lahat ng pinaka-magandang gadgets sa mundo.
4. Maging pro
fessional bowler.
5. Maging runway model. Haha! XD
6. Magkaroon ng art gallery. :P


five turn-offs
1. Nagyayabang sa maling lugar
2. Sobra kung uminom. Dapat sakto lang. :))
3. Walang sense kausap. Lalo na pag ino-open up ang topic na ayokong pag-usapan.
4. Smoker.
5. Grammar. Oo, wrong grammar. XD


four turn-ons
1. Musician. :D
2. With a sense o
f hunor
3. Smile. A type of smile I always loved.
4. Gentleman


Three smiles that describes your life
1. ǖǖ
2. ^^
3. :D


Two things you wish you never did
1. Ang gastusin ang pera ko sa mga bagay na hindi ko rin pala magugustuhan. Tsk.
2. Ang hindi mag-aral kapag may oras ako.


One confession.
1. Makikita mo ko laging masaya, ang hindi mo lang alam, malungkot talaga ako minsan. Hindi lang halata.