CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, December 6, 2008

Here's My Wish List, Santa. :)


Ramdam na sa buong Pilipinas ang diwa ng pasko. Napuntahan ko ang blog ni pey at nabasa ko ang kanyang wish list. Naisip ko, "Ano ba ang gusto ko ngayong pasko?". Sa sobrang excited sa pasko, nailista ko lahat ng gusto ko ngayong pasko. Materyal na bagay man o hindi, yun ang gusto ko. Eto ang sumusunod.



Desktop computer. Sa lahat ng bahay, hindi siguro mawawala ang isang desktop computer. At dahil sa laptop lang ako nag-iinternet, gusto ko magkaroon ng sariling desktop computer. Ako kasi ang tipo ng taong mahilig sa online games kaya ang gusto kong computer ay yung game-compatible. Para mabilis ang paglalaro ko. Pwede na rin yung pang-photoshop para dun nalang ako mage-edit ng pictures.


Laptop. Nasabi ko kanina na may laptop kami sa bahay. Pero sa ate ko yun. Yung laptop naman namin, may virus. Tapos SOBRANG BAGAL pa. Gusto ko sana yung Sony VAIO. Kaso, Mahal siya. Kaya kahit ano nalang basta mabilis, maraming features, at handy, pwede na yun. :)


Digital Single Lens Reflex Camera. In short, DSLR. Eto ang pinaka-gusto ko sa lahat. Sa hindi nakaka-alam kung ano ang tinutukoy ko, ang DSLR ay isang camera na ginagamit ng photographers. Pwede mo lagyan ng lens ito kung malayo ang kinukuhanan mo. At pag dating sa output ng pictures, walang-wala ang digital cameras dito. Feel mo parang isang professional photographer ka dahil kahit baguhan ka pa lang, maganda ang magiging resulta ng pictures mo. Ok lang sakin kahit hindi pang-akin lang ang nasabing camera. Maging family camera siya, ok na sakin yun. :)


Isang mumurahing cellphone. nagulat ka ba hinihingi ko? lahat ng tao ngayon gusto ang cellphone nila yung maganda at maraming features. Pero sa akin gusto ko yung cellphone na katulad sa classmate ko. Mura siya at may isang feature siya na gustung-gusto ko: yung send later. Yung send later kasi mase-send niya yung message mo sa specific na time na gusto mo. So kung sakaling birthday mo at eksaktong 12midnight ako bumati, alam mo na kung anong cellphone ginagamit ko. :))


Boyfriend. OK. parang hindi angkop ang wish na ito. Pero dahil 'wish list' lang naman siya, hindi naman siguro masama ang mangarap, diba? Maniwala man kayo o hindi, wala pa akong nagiging boyfriend sa buong buhay ko. haha :)) Masaya naman ako sa buhay single, pero naisip ko kung ano kaya ang feeling ng may boyfriend. *parang tanga akong nagtatanong dito. para akong bata. XD* Hindi naman ako nag-mamadali. Gusto ko lang maranasan kung ano ang feeling ng may isang boyfriend. haha XD


Starbucks' Planner. Sa ngayon, Nakaka-14 stickers na ko. Konting gastos nalang, may starbucks planner na ko. Naghahanap pa rin ako ng Starbucks addict na hindi nagku-kumpleto ng 16 stickers. Hahatakin ko siya na mag-Starbucks at ako makakakuha ng sticker niya. hahaha :)) Halos 3 times a week na ako kung mag-Starbucks kasama ang college friends ko. Masaya naman kasi nagkakaroon kami ng bonding moment dahil hindi ko na sila nakakasama ngayon.


Scientific Calculator.
Kung kaklase kita, nakita mo na yung calculator ko na pinagtiya-tiyagaan ko. Hindi ako pwede mag-quiz sa mathematics at physics kapag wala akong source of light. Wala na battery ang calculator ko kaya solar power lang ang magpapagana sa calculator ko. At kung papalitan ko yung battery ng calculator ko, wala naman akong time. Gusto ko sana magkaroon ng calculator na hindi ako dedepende sa solar power. Ayoko ko na mag-tiyaga sa calculator na kailangan ko pa maghanap ng solar power para lang maka-compute.


Chocolates. Sobrang mahilig ako sa chocolates. `Nuff said. :))


Books ni Stephenie Meyer. Sa may gustong magbigay sakin ng books ni Stephenie Meyer, meron na akong Twilight. Ang wala nalang ako, New Moon, Eclipse, at Breaking Dawn. Ngayon ko lang nahiligan ang mga libro niya dahil ngayon lang ako nakahanap ng time para magbasa ng libro. Matagal ko na naririnig ang name ni Edward Cullen sa book readers, pero hindi ko alam kung saan libro ko siya mahahanap. Sorry kung ngayon lang ako naging addict kay Edward Cullen. Kapag nai-imagine ko ang itsura niya, "wow. ang gwapo niya naman." haha :)


Happiness. Well, who doesn't? Kahit na nakikita ako ng mga kaibigan ko na lagi akong masaya, gusto ko naman na masaya ako para sa sarili ko. Madali lang naman akong pasayahin eh. Sa simpleng bagay na gawa na isang tao, masaya na ako dun. Basta nakikita ko ang effort niya, ok na. :)


A warm hug. Kasama pa ba to sa wish list? Para sa akin, oo. Ewan ko kung bakit gusto ko siya isama dito sa wishlist ko. Siguro gusto ko lang ulit naramdaman ang hug ng isang taong gustung-gusto ako i-hug dati. I miss the feeliing of being hugged by someone special to you. Namimiss ko na hug ni bf. Gusto ko na talaga siya i-hug! XD


Magandang heasdet. Madali masira sakin ang headset. Disposable para sakin ang headset. Kahit anong headset ok lang sakin. As long as maganda ang quality at durable siya. :)


High grades. Before ako grumaduate sa Associate in Arts-Preparatory Dentistry course ko, gusto ko sana magkaroon ng mataas na grades. Yung tipong pang-cum laude. *nangangarap* Basta high enough para maging proud ang magulang ko, ok na sakin yun.


Car. Masyado na ata mataas ang pangarap ko dahil simama ko ito sa wishlist ko. Since marunong na ako mag-drive, gusto ko magkaroon ng sariling kotse. Dahil sa hirap ng buhay, yung mura lang yung gusto ko. Ok na sakin yung compact car na Chery. Mas ok kung Honda Jazz. Haha :))


DVD's. Maraming-maraming DVD. Wala akong paki-elam kung original yan or pirated, basta DVD. Mahilig ako manood ng movies dati pa. Rented, Hiniram sa kaibigan, binili, lahat yan ginawa ko para lang makanood ng movie. TV series ang gustung-gusto kong panoorin ngayon dahil hindi mo mapipigil ang sarili mo na panoorin ang kasunod dahil mabibitin ka. Romance, comedy, lahat yan welcome sakin. English pa yan o ibang lenggwahe, papanoorin ko yan.


Starbucks' tumbler. Gusto magkaroon ng Starbucks' tumbler na Christmas Edition. May tumbler na ako, Valentines edition naman siya. Gusto ko magkaroon ng bagong tumbler kasi para naman hindi ma-over use yung tumbler ko. Gusto ko yung tumbler na red tapos yung lid nya may red din. Pwede rin yung glitters na design tapos may hawakan. :)


Adidas Bahamas Track Top. Dapat hindi na ako humihingi ng jacket dahil may Philippine Track Top (yung sa Adidas na na-ban) naman na ako. Pero nagustuhan ko talaga ang jacket na to. Ang ganda kasi ng mga kulay niya.


Peace. Hindi ito kalokohan. Gusto ko magkaroon ng world peace. Ang dami na pangyayari dito sa mundo, at ang nagiging solusyon, kasamaan. Sana lumaganap sa buong mundo ang kapayapaan at manatili ito hindi lang ngayong pasko, kundi sana, habang buhay na.


Sa dinami-dami ng hinihiling ko, alin kaya dito ang matatanggap ko? :)

2 comments:

pey pilya said...

le'me qoute something from this post....

"Chocolates. Sobrang mahilig ako sa chocolates. `Nuff said. :))"


ako din mahilig sa chocolates... may tanong lang ako...

sino si Nuff?.. ahahaha! ok im korni.. bwahaha!..

meri krismas pat!!.. :D

musicnoteslovestar said...
This comment has been removed by the author.