CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, April 29, 2009

Summer Vacation

Summer vacation na! Isang buwan na rin akong walang ginagawa. Gising-internet-kain-ligo-nood TV-tulog. Yan na ang naging routine ko. Katulad ng ginawa ko sa sembreak post ko, ililista ko rin ang mga gusto at dapat kong gawin ngayong summer vacation.

Simulan natin sa mga gusto kong gawin.

  • Makapunta sa mga hindi ko pa napupuntahan. Tulad ng Boracay, Tagaytay, Baguio, Palawan. Maniwala ka man o hindi, hindi ko pa talaga napupuntahan ang mga yan. Ewan ko ba kung bakit. Wala oras siguro.
  • Makapunta sa ibang bansa. Kahit Asian countries pwede na. Malaysia, Macau, Indonesia. Lalo na sa Hong Kong. Shopping! :D
  • Malaro sana ulit ang pinaka-mamahal kong character na si musicnotes. I really miss that girl.
  • I-update si Starbie(Starbucks planner) at ang iPod ko. Kailangan ko na naman ayusin ang playlists dun. Naluluma na yung mga kanta ko. Haha!
  • Manood ng TV series sa DVD at Anime. Super nahihiligan ko na ang anime ngayon. :)
  • Maging kapaki-pakinabang dito sa bahay namin. Wala na talaga kasi akong ginagawa eh. :))
  • Mag-swimming kasama ang mga kaibigan ko.
  • Ayusin ang cabinet ko. Ang gulo na ng mga damit ko eh. :))
  • Makipag-kita sa highschool friends ko at gumala na rin. Haha! XD
Ngayon naman ang mga dapat kong gawin.
  • Makakuha ng Driver's License. Para ako na ang magda-drive samin.
  • Makapag-enroll. Sa wakas, Dentistry Proper student na ko! :D
  • Maayos ulit an sleeping cycle ko. 3 am na ako natutulog, 12 noon na ko nagigising!
  • Mag-update ng lahat ng dapat i-update. Lalo na ang blog na to. Namiss ko ang blogsphere.
  • Pumunta ng St. Lukes para sa dental check-up. Masyado akong naging busy sa school kaya may 2 months na rin ako hindi nakakapunta dun. Lagot akooo!
Sa pagiging walang kwentang tao sa bahay, alin naman kaya dito ang mga nagawa ko na?
  • Nakanood na ako ng TV series at anime. Natapos ko na ang Grey's Anatomy Season 4. Hanggang season 4 palang ako sa House. Napanood ko na rin ang anime na Ouran High School Host Club at Kamichama Karin. Ganyan talaga pag nasa bahay lang buong araw. :))
  • Nakapag-enroll na rin ako sa wakas. Dentistry Proper student na ko! YES! Pero sa section A parin ako. :(
  • Sa ngayon, hindi pa ko nakakakuha ng driver's license. Kasi laging automatic yung dina-drive ko. Hindi na ata ako marunong mag-manual. Baka hindi ko mapasa yung actual driving exam dun. Haha!
  • Ang swimming? Pinaplano pa. Overnight daw! Yey! :D
  • Sa mga hindi ko pa napupuntahan, Tagaytay palang napupuntahan ko. Gusto ko bumalik dun! Sarap manirahan dun. Haha! Pupunta rin ako this May sa Palawan! :D
  • Sa Gusto ko mapuntahan sa ibang bansa, naka-plano palang ang Macau at Hong Kong. Wala kasi yung passport namin ng kambal ko. Nako, kung andito lang samin, matagal na kami umalis! Hahaha! :D
  • Hindi ko pa naayos yung cabinet ko! XD
  • Sa wakas, may pakinabang na ako dito sa bahay namin. Ako ang dakilang taga-bayad ng bills. Ok lang yun sa akin sa dalawang dahilan. Una, Nakakalabas ako kahit papano. At pangalawa, akin ang magiging sukli ng binayaran kong bills. Hahaha! *evil grin*
  • Nakapunta na ko sa dentista ko. Pinagalitan ako. Kasalanan ko ba magkaroon ng tight schedule sa school? Hilain niya ko sa klase ko, pwede pa. Kaya ngayon, every 2 weeks na ko pinapapunta. huhuhu
  • Sa ngayon, medyo naayos ko na yung playlists ng iPod ko at ang mga dapat isulat kay Starbie. Pero kulang pa. Hindi pa tapos.

Halos kalahati palang nagagawa ko. Hindi ko ata matatapos lahat to ah. Goodluck nalang sakin. :D

Tuesday, April 28, 2009

Goodbye Pre-Dent. Hello, Dentistry Proper!

Natapos na ang enrollment ko kanina lang. Kahit pala magpa-huli ako, section A parin ang bagsak ko. Oh well, no choice.

Subject Schedule for DMD 1-A

MONDAY:
07:00 -10:00 Microscopic Anatomy and Embryology Lab
10:00 -12:00 Dental History and Orientation
12:00 -13:00 BREAK
13:00 -15:00 Microscopic Anatomy and Embryology Lec

TUESDAY:
08:00 -10:00 Oral Anatomy Lec
10:00 -11:30 Biochemistry Lec
11:30 -13:00 BREAK
13:00 -16:00 Oral Anatomy Lab

THURSDAY:
07:00 -10:00 Microscopic Anatomy and Embryology Lab
10:00 -11:30 Biochemistry Lec
11:30 -13:00 BREAK
13:00 -16:00 Oral Anatomy Lab

WEDNESDAY and FRIDAY
07:00 -10:00 General Anatomy I (Regional Anatomy) Lab
10:00 -11:30 General Anatomy I (Regional Anatomy) Lec
11:30 - 13:00 BREAK
13:00 -16:00 Biochemistry Lab

Eventhough wala na ko magagawa sa section ko, marami naman ako nagustuhan. :)

> New ID. Sa wakas. Mas presentable na yung picture ko dun. Ok lang kahit scan lang ng scan. haha! :D
> New uniform. Malalaman na ng buong school na isa akong Dentistry Proper student dahil sa aking uniform. Yes! :D
> 6-day to 5-day schedule. Sa wakas, Monday to friday nalang pasok ko! Makakapagpahinga na ko ng Saturdays.
> from 32 units, now 20. Nabawasan na ng maraming pa-epal na subjects ang schedule ko.
> from 10 subjects, now 5. Wow. Kalahati! Dito ako nagulat. Pero syempre, major silang lahat, so it won't be easy.
> No more PA-MAJOR subjects. Kasi lahat, major na. :))

~musicnoteslovestar
23 April 2009 23:46