CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, October 25, 2008

Sembreaks

Labing-anim na araw akong nagbabakasyon mula nang matapos ang unang sem ng taong ito. Higit dalawang linggo na akong walang ginagawa sa sarili ko.

Ano nga ba ang binalak kong gawin ngayong sembreak?

Nang nabilang ko kung ilang araw akong makakpagpahinga, nailista ko ang mga ito dati dahil sobrang na-eexcite ako na papalapit na ang sembreak. Akalain mo, halos isang buwan akong makakapagpahinga. "Ayan. Magagawa ko ang gusto kong gawin ngayong sembreak."

  • Maglalaro ng online games. O2jam. Freestyle. Ragnarok Online. Bisitahin ang pinaka-mamahal kong character na si musicnotes. Nakaka-miss din pala siya.
  • Makapag-aral ng driving. Para naman may pakinabang ako sabahay namin.
  • Ma-update ang aking blog at ma-publish ko na lahat ang drafts dito.
  • Makipag-kita sa mga kaibigan ko noong highschool.
  • Maka-gala narin kasama sila.
  • Makapag-bonding ulit kasama ang pinaka-close kong kaibigan.
  • Pumunta sa aking alma mater. Balita ko sobra ang pinagbago niya.
  • Magkaroon sobrang daming tulog. Eto na ang pagkakataon para mabawi ko ang kulang na tulog ko. Hahaha. :))
  • Movie marathons. TV series. Anime. Lahat na. Basta magandang panoorin pwede na sakin yun.
  • Kumain ng Marami. Hanggang ngayon, payat parin ako. Hindi parin ako nagkaka-laman. Kailangang tumaba ako!
  • Kumain ng shawarma sa Lagro. Matagal ko na hindi ulit natitikman ang masarap na shawarmang yun. yum..
  • Makapag-enroll para sa 2nd sem. Nako, papalapit na naman ang pasukan. Malapit narin ako grumaduate!! :)

Pero lumipas na ang labing-amin na araw, wala pa ata sa kalahati ang nagagawa ko dyan. Eto ang nagawa ko at ang mga dahilan kung bakit hindi ko pa siya nagagawa.

  • Nakapaglaro na ako ng online games. Maraming beses na rin. Pero hindi ko pa rin nabibisita si musicnotes. Nakaka-miss.
  • Sa driving, nakakuha na ako ng student's permit. Pero hindi ko na na-uumpisahan ang pag-aaral ng driving. Kahit isa, wala. hahaha
  • Na-update ko na ang blog ko. 'nuff said.
  • Hindi pa kami nakakapag-kita ng highschool friends ko. Pinaplano na rin namin ang mga gala namin bago magsimula ang pasukan.
  • Nakapag-bonding na kami ng close friends ko. Pero kulang pa yun.
  • Sa foundation day na ako pupunta sa alma mater ko. At kapag may magandang camera na ako. (DSLR!!)
  • Sa ngayon, Nababawi ko naman ang kulang na tulog ko. May bago naman akong problema ngayon, ang maka-tulog nang maaga. hahaha
  • Ayos naman ang pinapanood ko ngayon. Hindi ako nabibitin sa storya niya. Sana matapos ko siya bago magsimula ang klase.
  • Kumakain ako ng marami. Marami talaga. Pero hindi ko alam kung tumataba ako. hahaha
  • Hindi ko pa napupuntahan ung shawarmahan sa Lagro. Wala kasi akong kasama eh. Kalungkot naman pag ako lang mag-isa di ba?
  • Nakapag-enroll na ko. Pero minalas na naman ako ulit. Sa susunod ko nalang iku-kwento.

Sa ngayon, yan palang nagagawa ko sa nakalipas na higit sa dalawang linggo. Nakakalungkot isipin, kulang pa ang kailangan kong gawin. Kailangan ko mag-adjust ulit para sa section na papasukan ko. Kailangan ko rin ma-ayos ang sleeping cycle ko. Hay nako. Ang dami ko pang kailangang ayusin.

Matatapos ko kaya lahat ng ito?

Friday, October 24, 2008

Kina-kailangan ko na i-upadate ang blog at ang sarili ko

"i uupdate mo pa ba to? hahah! "

Ayan ang tanong sakin ng kaibigan ko nung tinignan ko ulit ang aking blog. Tanong ng isang blogger na ngayon lang din nakapag-update ng kanyan blog. "Oo nga noh. I-uupdate ko pa ba to?" Dapat lang. Kaya nga ako gumawa ng blog eh. Para ma-update ang sarili ko, Matagal narin kasi ako nakapag-post ng blog. Matagal narin kasi ako naka-isip ng matinong susulatin.

"Ang dami-dami nangyayari sakin. Pero bakit wala akong maisulat kahit isa?"

Oo nga. Matagal-tagal na nga. Marami akong drafts dito sa blog ko. As in, madami. Ginaganahan naman akong magsulat. Pero kapag nasa tapat na ako ng kompyuter, blanko na ang utak ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Sa sobrang dami na nangyayari sakin, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Hahaha.

Sige na. Susulat na ko. Hindi ko siya pinapangako. Pero susulat ako. Isa sa mga araw na lilipas, meron narin kayong mababasa. :)


woot. Special mention ka Chabs. haha :)