CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, May 23, 2008

emo moment = blogpost :D

My so-called 'emo moment' strikes again.It makes me think for a while and make a long quote. Well, it may not be as long as you expect. But I think it's worth reading. Some parts of it came from the quotes I had read. I said to myself that someday I'll post it on my blog. So here it is. It has no title yet. If you have anything in mind, just comment. And maybe, your suggestion will be the title of it. Hope you guys like it. :D


"(still untitled)"


I'm happy with my life. I don't have any worries. No sleeping problems. I'm contented just the way my life goes.

But just this day, as i was walking along the busy streets, I saw a couple. They're so happy at each other's presence. Meaningful smiles. Holding hands. A warm hug. A kiss on the cheek. Sweet? Definitely.

Then I realized, it's true that I'm contented. But, from the last thing I saw, that made me somehow feel, incomplete. Maybe they're right. I thought I'm better off alone.

Now, I have many sleepless nights. Sometimes, you will find me sitting all alone. Lonely. Motionless. Looking far away. Speechless. Thinking deeply. Wandering.

Sometimes I wonder, does he really exist? I mean, is really someone out there for me? If he's here, then why we never get the chance to see each other?Is he too busy for work and doesn't know that I'm here, waiting for him?

Where is he? I said to myself. When will be the time that I will be like that? Happy in the arms of someone who loves me for what I am. When will I feel the happiness when I'm with him that can maybe make me feel complete?

As I look at the celestial horizon tonight, I wish that he and I will cross paths someday, somewhere. I know he's there. He's just a dream away. Maybe, just maybe, he's dreaming of me too.


-musicnoteslovestar

Tuesday, May 20, 2008

one rage.

Naranasan mo na ba yung isang araw na kahit ilang text mo sa isang tao, ni isang reply niya wala? May load naman siya. Postpaid pa nga siya eh. Pero bakit ganun? Wala ako natanggap. Kahit isa. Wala. Nakakainis di ba?

May nakilala lang siyang bago, nag-iba na ang pakikitungo niya sakin. Nasabi ko sa sarili ko: Maganda naman kasi ata yung nakilala niya. At alam kong wala akong laban. Hindi naman ako maganda eh, tanggap ko yun. Kaya malamang, siya ang pipiliin niya at hindi ako. Hindi na siya yung dating nakaka-usap ko lagi. Yung madaling lapitan. Yung tipong isang text mo lang, mag-rereply na siya agad. Sobrang biglaan yung hindi niya pagpaparamdam sa akin.

Okay. tumigil ka nga muna. Mag-isip ka mabuti. Hindi naman ako pwedeng magalit. Ay mali. Hindi dapat ako magalit sa kanya dahil wala naman akong sapat na dahilan para magalit sa kanya. Pero bakit ganun siya? Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama.

Sinubukan kong makalimutan siya sa isang buwan. Binura ko lahat, as in LAHAT ng numbers niya sa cellphone ko. Sumunod, naka-permanent invisible ako sakanya ngayon sa YM(yahoo messenger) para hindi niya ako makita. Para naman mamiss niya ako di ba?

Pero sa paglipas ng ilang linggo, naisip ko na parang mali ata yung ginagawa ko. Kasi parang walang epekto sa kanya lahat ng ginawa ko. Ako pa ata etong nakakamiss sa kanya. Hindi siya. Hindi nya ako namimiss. Ang masaklap pa dun, yung laging kasama niya ngayon, yun pa yung namimiss niya. Masakit pakinggan di ba? Grabe naman yun. Ginagawa ko lahat ng paraan para mamiss niya ako kahit isang beses lang. Pero, ibang tao parin yung namimiss niya. Nakakalungkot. Nakakainis. Nakakabwisit.

Ngayon, masasabi ko na masaya na ko dahil alam kong masaya naman siya sa 'pag-ibig' niya. Pero hindi ko maiwasan na minsan, iniisip ko siya, kasama ng lahat ng masasayang araw na kasama ko siya. Nakakalungkot mang isipin, pero hindi ko na ito maibabalik pa. Hinihintay ko nalang ang panahon na babalik siya, kung saan niya ako iniwan. Kung hindi man bukas, baka sa susunod na araw, andyan na siya.


Lahat ng masasayang araw na magkakasama kami, tinatago ko iyon. Dahil masaya kaming dalawa noon. At yun lang ang nagbibigay sakin ng dahilan para mabuhay ng masaya.
-From a TV show. (I made some revisions. )

Monday, May 12, 2008

new close friend

I woke up at 11:30 am today. First, I checked my phone. It has 5 new messages (I think). Then, I made a group message to be sent to my friends. After sending it, 2 of my friends replied. One was Chabs.

“text mo daw un kay kuya xD 09*********. " He said.

I gave the same message to kuya Chai. The other one was Kenneth.

“wow dentista na. pm tayo pwede?” He said.
“sure. “
“may itatanong lang, nagka-bf kn ba?”
“unfortunately, hindi pa. :) bakit mo natanong?”
”wala lang. hihingi sana ako ng payo eh.”
“ano problem mo? Maybe I can help. ”

Then he gave me his problem. I gave some advices that can help him to make a decision. I really don’t know where I got my advices to him. After some advices, I let him think on what he should do about his problem. He thanked me for what I did. After that, we changed the topic and talked about something else. Then, the rain fell and electricity turned down.

"Tara Pat, ligo tayo sa ulan.” He said.

We went outside. We searched for our friends within the subdivision. We found them at the basketball court. I sat at the bench and watched them play basketball in the rain.

Hala, humihina na yung ulan. Uuwi na nga ako.

I said that to myself while watching them for 2 hours. He asked me if I’ll go home. I said yes. Our friend joined us and we went home. I took a shower and washed my clothes. Then he texted.

“tapos ka na? badtrip nung umalis tayo, biglang lumakas yung ulan.”
“oo nga eh. Badtrip. Ay teka. May ibibigay ako sayong quote. Tatamaan ka promise.”

So I gave him a quote about his current problem. He also gave a quote. His quote was nice. Then I realized that I found myself a new close friend. We weren’t close friends before. But now, after what happened this day, I understand him better and we became close.

I have found new friend. Wow. New achievement. I said to myself.

Nagkaroon nanaman ako ng isang kaibigan na aalagan ko. Isang kaibigan na pahahalagahan. Sa dinami-dami na ng kaibigan ko, hindi ko lubos maisip na iwan sila. Mahirap kasi eh. Masakit sa parte nila. Ikaw ba naman, iwan ka ng kaibigan mo ng walang rason. Parang hindi naman tama yun diba? Syempre, magtataka ka kung bakit iniwan ka niya. Wala ka naman ginagawa masama. Nangyari na kasi sakin ang iwanan ng isang kaibigan. Oo, Masakit. Mahirap. Pero kinaya ko dahil hindi naman dun natatapos ang buhay ko. Kailangan ituloy ang buhay. Marami pa akong kaibigan na andyan pa. Kaya kung maari, inaalagaan ko ang mga kaibigan ko. Para madama nila na sila'y importante. Hindi binabalewala. Ikaw ba, ilan kaibigan mo sa mundong ito? Lahat ba sila pinahalagahan mo?

You have many friends in this world. The question is, are they true to you? :)

One rainy day

Maganda ang gising ko nun dahil kumpleto nanaman ang tulog ko at hindi masyadong mainit ang panahon. Pero pagkalipas ng ilang oras, dumidilim na ang kalangitan.

Nako, parang malakas ang ulan ah. nasabi ko sa sarili ko.

At yun na nga, bumuhos na ang ulan na kanina pa pilit na dinadala ng mga ulap. Dumaan sa akin ang isang malakas na hangin. Malamig. Masarap.

Maliligo ako sa ulan. Tama.

Niyaya ko ang aking pinsan na maligo sa ulan dahil nasabi niya rin sakin na kailangan niyang linisin yung drum ng tubig. Naligo na kami sa ulan at nilinis na namin yung drum. Tapos lumabas ako ng bahay dahil niyaya ako ng kaibigan ko na lumabas. Hinanap namin yung iba namin kaibigan. Nahanap namin sila sa basketball court. Umupo lang ako sa bench ng court at pinapanood sila maglaro. Binabantayan ko rin yung kasama naming batang babae. Nilapitan ko siya at kinausap.

"dear, ok ka lang?"
"opo."
"
hindi ka ba nilalamig?"
"hindi po."
"ah. ok. dun lang ako sa bench pag kailangan mo ako ha? "

Pagkalipas ng ilang minuto, nagulat ako dahil may lumapit na lalaki sa bata. Naku, sino kaya yun? Tinignan ko ulit para malaman ko kung sino nga talaga iyon.
Ngek, si aya lang pala. At nung tinitigan ko silang dalawa, nasabi ko nalang sa sarili ko wow. ang cute naman nila. Parang daddy siya tapos ung girl, daughter niya. Hala, ako momnmy?! hahaha *laughs* . Napatigil ako sa ilusyong iyon dahil napatingin sa sakin ang kahibigan ko at tinanong niya kung bakit tumatawa ako mag-isa.

Siguro dalawang oras din akong naligo sa ulan. Bumalik na ko sa bahay. Tumambay lang ako sa terrace ng bahay namin at umupo doon ng ilang minuto. Pinikit ko ang aking mga mata at tumingala ako sa langit. Hinayaan kong tumama sa aking mukha ang mga patak ng ulan. Masarap. Matagal ko na rin hindi nadarama ito. Taon na rin ang nakakalipas mula nung naligo ako sa ulan kasama ang mga kaibigan ko. Masarap sa pakiramdam.

Muli, nagsama-sama kami sa isang gawain na gustong-gusto naming gawin kahit noong musmos palang kami, ang maligo sa ulan. Kapag nakakasama ko sila, laging tumatama sa aking isipan ang mga pangyayari noong maliliit palang kami. Lahat ng takbuhan, takutan, kasiyahan, paglalaro sa labas hanggang 12 ng gabi, pagiging masunurin para lang makakain ng champorado, pagtatambay namin lahat sa iisang bahay, at marami pang iba. Naisip ko, kailan kaya mangyayari ito muli? Pa-unti unti na silang nawawala sa aming subdivision. Kaya konti nalang namin magka-kaibigan. Sila parin kaya ang makaksama ko kapag nangyari ito? Makakahanap pa kaya kami ng pagkakataon para magawa muli ito? Hindi ko hawak ang kapalarang ito, pero ang tanging hiling ko ay sana, sila parin ang kasama ko hanggang sa huling paglusong ko sa ulan.

'Kay sarap isipin na may kasama sa buhay pag umulan.'
- sukob na by 17-28 (i did some revisions :] )

Sunday, May 11, 2008

my mother. her special day.

May 11, 2008

Ngayon ang isa sa pinaka-espesyal na araw sa nanay natin. Dahil ngayon ipinagdiriwang natin ang mothers day, Isang araw para pahalagahan at pasalamatan ang ating ina sa mga ginagawa nila upang tayo ay lumigaya.

Kahapon pa namin ipinagdiwang ang mothers day dahil ayaw namin makisabay sa daang-daang pamilya na pupunta sa SM bukas para ipagdiwang ito. Kumain kami sa labas at bumili ng mga kailangan sa bahay. Kaya nasa bahay lang kami buong araw ngayon.

Naisip-isip ko, ngayon lang ba dapat tayo magpasalamat sa mga ginawa sa atin ng ating ina? Sa sobrang dami ng ginawa sa atin ng ating ina, sapat ba ang isang araw? Sa labingwalong taon ko dito sa mundong ito, sapat ba iyon para pahalagahan ang nanay ko?

Dati feel ko hindi ako mahal ng nanay ko kasi hindi niya binibigay yung mga gusto ko. Sabi ko pa nga sa sarili ko: ano ba naman 'to si mama. minsan lang ako kung payagan sa mga events namin magkakaibigan. pero bakit si ate palaging pinapayagan? Pero nung nag-usap-usap kami magkakaibigan tungkol sa aming nga ina, nasabi ng isang kaibigan ko

"swerte mo dyan sa nanay mo kasi lahat naman ng gusto mo, binibigay niya. tulad ng mga gadgets mo, kami ba may ganyan? wala di ba? At sobrang bait ng nanay mo samin. Parang anak ang turing niya samin. At kaya naman minsan hindi nya binibigay ang gusto mo kasi nag-aalala siya sayo. Baka mapahamak ka. Syempre ayaw niya mangyari yun diba? Kaya pasalamat ka sa nanay mo. Sobrang swerte mo parekoi. :)"

Simula noon, araw-araw ng buhay ko lagi ako nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng isang ina na napaka-aruga. Isang ina na kahit subsob na sa trabaho, hindi niya hinahayaan ang kanyang anak at tinatawagan ka upang malaman niya kung ok ka. Isang ina na kahit hindi niya sinasabing mahal ka niya, alam mo na higit pa ito sa nararamdaman mo. Isang ina na ipagmamalaki mo sa buong mundo.

Proud ako dahil isa ako sa may inang ganyan. :)

Happy mothers day to my beloved mom! :)
and also to your mother. :)


I love you mom. and you know it. :)
"Loving you is like food to my soul. "

new blog. new me. :)

Waking up at noon, watching TV, eating, taking a shower, internet browsing, chatting with friends, playing RO, sleeping at 3am, period. That's my daily routine. I can't believe I'm doing those every day and night. Everything was the same, until last night...

I stopped playing RO by 1am. I'll stop playing early today. For a change,
I guess.
The, I went to my last blog site. While I was reading my old blog posts, I realized something. I want to start something new. That's right. I'll start a new blog.

Bute nalang OL pa si Chabs. May tutulong sakin. I said to myself. He was making a new template for his blog.

"bubuhayin ko muli ang blog ko." he said.
"bute naman. maganda yan. tulungan mo nga ako. I was planning to start a new blog. :) "
"cge. sa blogger ka na mag-start. "

He helped me to create my new blog. And here it is! It's not yet presentable compared to other bloggers. hey I'm new here. Later on, I can create a template on my own, maybe. :)

wow. new blog. new screams.

Thanks dear. :)
My very first post. :)